Tuesday, December 27, 2005

Buhay Saudi ng mga Noypi


Shawarma - isang pagkain na nag originate sa middle east at isa ang saudi sa pinaka masarap gumawa nito. Meron itong garlic mayo na unique ang lasa at chicken or beef slices na sobrang juicy at pickles at fried potato.

Kabsa - Eto ang litson manok ng arabo. Sa una di mo ma aapreciate ang lasa nya kasi iba yung lasa. Pero pag matagal ka na sa saudi, masasarapan kadin dun. Pero kailangan mo ng kabsa rice para match pati nung sauce at nung dahon na tinatawag nilang jirjir.

IPSR - Ito ang unang Philippine school dun. Dito nagkakilakilala ang IPSR 2002 batch. Dito rin nanggaling ang karamihan ng estujante na naglipatan sa iba't ibang school. Dating under ng embassy. Kulay dilaw ang kulay nila. Dito ako nag aral.

SPIS - Kalaban ng IPSR. IPSR at SPIS ang Dalawang Major school dun kasi sila ang pinakamaraming estujante. Kulay green ang kulay nila.

IAR/RIS - Di masyado matunog pero kilala din naman sa mga filipino community. Madami rin kami kakilala na taga rito.

NIS/MIS/Pascual - Eto yung school ni Mrs. Pascual, Nag simula sa isang maliit na learning center at lumaki, pero hindi nya inabot ang IPSR at SPIS.

Al Roon - Pinaka sikat na tindahan ng Shawarma at Kabsa sa IPSR. Kasi malapit at legend na 'to dahil matagal na dito nag oorder ang mga Taga IP ng pagkain.

Yammal Asham - Itinayo sa tapat ng Al Roon Kakompitensya ika nga. Pero mas mahal ang shawarma dito kaya Al Roon pa rin kami.

Jarir Bookstore - Eto ang Major bookstore sa Riyadh. Sikat na sikat.

Sharuk - Eto ang Malaking version ng shawarma. Don't be mistaken, hindi po ito jumbo shawarma. Malalaman nyo kung bakit pag dinescribe ko ang jumbo shawarma. Kung sa pinas may footlong para solve ang mga pinoy, sa Riyadh naman Sharuk kasi bitin ang shawarma.

Jumbo shawarma - Not like sharuk, ang jumbo shawarma ay may jumbo bread na pang hotdog, pero ang sharuk ay may kubus.

Kubus - Eto ang sikat na bread na pambalot ng shawarma. Bilugan at malapad, pinakadabest pang shawarma. Pwede rin sa filafil.

Filafil - Isang unique na vegetable na may ibat ibang sankap na nakabalot sa kubus.

DQ(Diplomatic Quarter) - Sa loob nito nakatayo ang sikat na Philippine Embassy.

Philippine Embassy - Obvious ba, embassy nga e. Pero dito rin ginaganap ang ibat ibang major events sa filipino community sa Riyadh tulad ng Independence Day at minsan ay Inter school competitions.

Batha - Eto ang pinakapinoy na lugar dito, ultimo injano at arabo ay trying hard na mag tagalog. Parang divisoria ng saudi. Da best dito dahil feel at home ka.

Quiapo - Eto ang pinaka sikat na lugar sa batha. Pangalan pa lang pinoy na pinoy na.

Centennial Restaurant - Nag seserve ng pinoy foods, located sa batha. Naging Canteen ng IPSR.

Haraj - The Ultimate ukay ukay ng riyadh. Hindi lang to basta ukay ukay sa damit ha. Pati na rin sa mga appliances at furnitures at halos sa lahat ng bagay.

Hayir - Pasyalan. Nandito yung sikat na hanging bridge na halos gawa lang sa Chicken wire. Madami rin Quad bike dito, Try mo.

Red sand - Disyerto. Kulay pulang buhangin. Magandang pasyalan pag di ka alergic sa buhangin.

Dalah - Market place malapit sa IPSR, tindahan ng mga burloloy.

Rabwah - Tindahan ng Gulay at prutas

Euromarche - Pinaka sikat na mall na malapit sa Um Al hammam. Sikat to dahil pag nag punta ka sa Euro, sigurado may makikita ka na kakilala mo.

Faisaliah - Eto yung sikat na patusok at mataas na skyscraper sa Riyadh, may mall din sa baba nito na puro mamahaling damit. Tambayan ng mga conyo

Kingdom - Eto yung tumalo sa faisaliah, mas mataas at mas malaki ang mall. Dito ko nakita ang Unang starbucks sa Riyadh. Tambayan din ng mga conyo. Marami mutawa.

Mutawa - Eto nanghuhuli ng mga tao. Nakasuot nung belo ng Arabo na pang lalaki pero usually ala yung ring na nasa ulo. Lider ng mga pulis kumbaga Hepe nila. Mahaba ang balbas. Nakakatakot. Sikat sa mga linyang "Cover your face" pero nalaman ko na barok lang pala english nila. Ibig sabihin nila dun ay "Cover your hair".

Toyland - Eto yung paborito kong puntahan nung bata pa ako. Tindahan ng laruan.

Bahay ni Ryan Lao - Eto naman ang pinaka dabest na lugar para sa barkada namin. Dito kami lagi nag babonding, Jamming surf sa internet magdamag, matulog at tumambay.

Mr. Morla - Bading

Cosa - kung mga daga kaming mga estujante ng IPSR, malamang sya na yung pusa.

Consul - Rapper

Amba - Kung sino man yung Ambassador sa Philippine Embassy may kakambal na syang nickname na "Amba".

TFC - "At home ka sa TFC". ABS - CBN of the world. Halos lahat ng pinoy may TFC yung iba naman nakikirecord nalang sa VHS.

IPSR 2002 - Pinaka malupit na batch ng IPSR na gumradute noong March 2002 at three years na nandito sa pinas. Tagal na rin noh. Sana maalala natin sila.




0 comments: