ultraelectromagneticjam
Sino ba naman makakalimot sa boses ni ely, sa gitara ni marcus, sa bass ni buddy at sa drums ni raymond? Grabe, isang malaking tagumpay ang tingin ko dito sa bandang to. Sino ba naman sa atin ang hindi nakakakilala sa tunog ng eraseheads..? Wow pare ang lupit. Matapos lumabas ang eraserheads, sunod sunod nang lumabas ang ibat ibang bandang pinoy na may temang pinoy na may tunog pinoy. Para sa akin eraserheads ang bumuhay sa OPM music. Naging insperasyon sila sa iba't ibang banda, sa inuman, sa kwentuhan, maski na sa pag dadrive at dun sa mga taong inahas ng kaibigan. lahat na ata ng tema meron sila. sa malungkot,sa masaya, pamasko, pampatay at siempre sa pag ibig. Maski na sinong de kalidad na musikero, hindi maitatangi ang kagalingan ng mga musikang ginawa nila.
Naalala nyo pa ba yung kantang "Pare Ko", na halos lahat ng gitarista, ito ang unang alam tugtugin. Eh yung kantang magasin, na na kung tutuusin ay isang malaswang magasin na nabigyan nila ng maganda at romantikong kahulugan. Eh yung overdrive na di umano'y may ibang kahulugan daw pag binackmask. Eh yung alapaap, fruitcake, wag mo na itanong, alkohol, christmas party, tikman at yung version nila ng Tuwing umuulan at kapiling ka. kakaiba talaga.
At ngayon naman nilabas nila itong bagong compilation ng mga kanta ng eheads. Kinanta ng Sugarfree ang tikaman, onrange and lemons ang Wag ka matakot, spoliarium ng imago, overdrive ni barbie, alkohol ng radioactive sago, magasin ni paolo santos at ang sikat na sikat na muling pinasikat ng brownman revival, yung maling akala. Katunayan lang na hanggan ngayon ay hindi pa rin sila nakakalimutan. At ang saya na dulot ng musikang nilikha nila.
Grabe ang sarap alalahanin, hanapin ang halimuyak na hanggang hating gabi'y hinahanap. diba ilan lang yung sa mga henyong tula na ginawang kanta ng grupo. Eto yung tipong mag papaalala sayo dun sa mga kmusikang kinakanta mo nung kasama mo yung mga classmate mo pag nasa bus habang may fieldtrip, yung kinakanta nyo nung una kayo mag inuman at pinapakinggan mo sa walkman nung hindi pa uso ang discman at pati na rin yung mga madalas mo marinig sa radyo na di mo alam yung title tapos bigla mo nalang malalaman na sila pala yun... Astig!

0 comments:
Post a Comment