Thursday, December 29, 2005
Tuesday, December 27, 2005
Naalala nyo pa ba yung kantang "Pare Ko", na halos lahat ng gitarista, ito ang unang alam tugtugin. Eh yung kantang magasin, na na kung tutuusin ay isang malaswang magasin na nabigyan nila ng maganda at romantikong kahulugan. Eh yung overdrive na di umano'y may ibang kahulugan daw pag binackmask. Eh yung alapaap, fruitcake, wag mo na itanong, alkohol, christmas party, tikman at yung version nila ng Tuwing umuulan at kapiling ka. kakaiba talaga.
At ngayon naman nilabas nila itong bagong compilation ng mga kanta ng eheads. Kinanta ng Sugarfree ang tikaman, onrange and lemons ang Wag ka matakot, spoliarium ng imago, overdrive ni barbie, alkohol ng radioactive sago, magasin ni paolo santos at ang sikat na sikat na muling pinasikat ng brownman revival, yung maling akala. Katunayan lang na hanggan ngayon ay hindi pa rin sila nakakalimutan. At ang saya na dulot ng musikang nilikha nila.
Grabe ang sarap alalahanin, hanapin ang halimuyak na hanggang hating gabi'y hinahanap. diba ilan lang yung sa mga henyong tula na ginawang kanta ng grupo. Eto yung tipong mag papaalala sayo dun sa mga kmusikang kinakanta mo nung kasama mo yung mga classmate mo pag nasa bus habang may fieldtrip, yung kinakanta nyo nung una kayo mag inuman at pinapakinggan mo sa walkman nung hindi pa uso ang discman at pati na rin yung mga madalas mo marinig sa radyo na di mo alam yung title tapos bigla mo nalang malalaman na sila pala yun... Astig!
Sobrang naging ok pakiramdam ko pagkabasa nitong poem na to. Pero tama si noy hindi naman nasusukat ang mga nalalaman ng tao sa pamamagitan ng grades e. Siguro sa tiyaga at sa abilidad lang makikita yun. Bakit, meron din naman ibang tao na di nakatapos pero umasenso diba..? Pero maski na p*ta tres pa rin yun..!
Sa Bus Station(December 26, 2003,friday, almost midnight)Nag meet kami sa Victory liner Cubao station. Nandun si Elias, Yeye, Karen, fatboy, Heaven, Andrei, Tere, Kay, Ako at si Annetot. Bale 10 kami Wala nang vacant para sa trip to baguio kaya dun kami sumakay sa "Five Star Busline". Nag cutting trip kami. Bale sa dagupan kami bababa tapos lipat ng bus then sa baguio na.
Day 1(December 27, 2003, Saturday)Dumating kami sa Dagupan ng almost five ng umaga. Ayun, sumakay kami ng victory liner papunta sa baguio. Nakarating kami sa baguio ng past eight. Nag pareserve na kami ng ticket para sa pag uwi namin sa 30 ng 12 am. Habang nag hihintay kumain kami ng taho, ang sarap kaya. Pag dating ni wachie sumakay kami ng fx na taxi. Bale 2 fx kami lahat. Pag dating dun sa kanila nag pahinga kami. Hinihintay namin si amer galing pa kasi sa La Union. Tapos nung hapon na nag gala kami tapos nung gabi nag libre si amer sa Don Henrico's dami binili, di nga namin naubos e. Tapos nag punta kami sa "Cactus bar". Maaga kami dumating kaya nakapag pa reserve kami ng table. So nag inuman kami dun. Ang saya saya, may banda na Alternative so tamang kantahan kami. Kumanta pa sila karen at fatboy ng "When you say nothing at all",lupet. Tapos dumating si alex at si edvel kasama yung pinsan ata ni edvel yun, ewan ko. Tapos nakita namin dun si Karyll yung nasa S.O.P sa channel seven, anak ni Zsa Zsa padilla. Lupit, ang ganda nya. Nag order pa si alex ng isang barrel ng beer pero hindi na rin naubos. Then nandyan na yung RnB na banda yung bahista nila prof ni Amer sa Organic Chemistry sa SLU, galing noh. Bale yung grupo nga pala namin yung pinaka nag eenjoy dun sa bar, as in, pucha. Tapos nag start na yung sayawan. sayawan sila ako kasi antok e, kj ko noh. Ok lang yun, basta may nasayaw ako na chick, hehehe, ala lang, tang 'nang yan. Pag dating namin sa house ni wachie, natulog na ko, pucha kj talaga. Yung iba nanood pa ng the grudge. Tapos nung matutulog na sila nag kulitan, nag talunan na sila dun sa kama. Kaya hindi napigilan nautot si fatboy. Ang baho kaya nabansagan syang fartboy. Hahahaha...
Day 2(December 28, 2003, Sunday)Dapat mag sisimba kami, sunday e. Kaya lang late na nagising lahat. Kaya nag punta nalang kami sa Mines View Park. Dami tao, siksikan. Ang ganda ng view sa taas. Meron pang igorot hunter daw na naka pause dun para sa picture na 10 pesos per shot. May kuha kami dun. Sa cam yata ni anne yun e, d ako sure. Tapos nun punta kami dun sa mga tindatindahan dun sa mines view. Tingin tingin, nag hahanap ng pang remembrance. Tapos napag usapan na bracelet nalang. Kaya nakakita kami ng bracelet na knitted na kulay maroon at black. Si Wachie ang sumagot nun, Bale 12 pieces. Tapos nag punta kami sa Ibay's silver shop. Ayun, tumingin kami ng silver. Bumili yung mga girls nung panlagay sa tenga na parang tao, ewan ko. Si annetot at andrei bumili ng friendship ring. Ako hindi na ko bumili ala na budget e. Tapos nun, nag simba kami sa pink sisters. Tapos nag punta kami sa SM baguio. Maganda yung SM Baguio, open air sya tapos yung bubong nya parang tent lang kaya malamig sa loob. Nag Arcade kami dun tapos ikot ikot. Tapos nag punta kami sa Mom & pop ba yun..?,, dun kami bumili ng maiinom. Bumili kami ng isang kahon na Red Horse na De lata, GSM Blue, Vodka, Maria Clara na Red Wine, Novellino na white wine at yung mukhang Strawbery wine ata yun, ewan ko... Tapos ang dami bumili ng yosi, umuulan ng yosi hehehe. Siempre hindi malilimutan yung pulutan, kaya nag punta kami ng Baliwag. Dun kami bumili ng Liempo na may nipples ng pig at lechon manoke. Pag dating kina Wachie nag dinner kami, tapos picture taking sa dinning table. Astig may wine pa kami sa dinner. Tapos nun pahinga nood ng TV. Pag dating ng 11 nag kaayaan na uminom. Nag mix na sila ng grapes sa GSM blue. Hanggang maubos namin yun, nag vodka naman kami tapos redhorse. Tapos nun may mga palaro tulad nung 1 frog, two eyes, four legs, in the pond, kaplang!!! Ang dami na dare dun, isa pang game ay yung duktungan ng kwento using three words. Tapos nun kanyakanyang bonding na, saya talaga nito.
Day 3(December 29, 2003, Monday)Last Day na namin toh :( Late na din kami nakaalis ng house para mamili ng pampasalubong. Siguro around four na din yun. Puyat kasi kagabi e. Nag punta kami sa palengke para mamili ng pampasalubong. Bumili ako ng 5 peanut brittle tapos bracelet para sa lola ko atbp. Medyo nagkahiwalay kami, ang kasama ko si Karen, Wachie, Kay at fatboy. Magkasama si anne at si tere. Tapos magkasama si Elias, Heaven, Yeye at andrei. Bale nag meet nalang kami sa Dunkin Donuts sa Session Road. Tapos nun umalis na si Amer umuwi ng La Union. Babay Amer!!! Tapos nag punta na kami sa Burnham Park, Nag picture picture dala yung mga napamili na pasalubong. Tapos sumakay kami sa bangka bale 2 boats kami. Ang saya kakatakot kala mo bahuhulog, picture picture ulit sa Baot. Tapos nun kumain kami ng Taho na Strawberry Flavor, sarap firs time ko nakatikim nun. Tapos umuwi na kami. Nag abang kami ng taxi sa Session road. May na meet pa si annetot na dalawang bulag... Wawa naman sila.. Pag uwi, nag dinner na tapos nag ayos kami ng mga bagahe namin hahaha. Paalis na kami, nasataxi babay na sa baguio. ayy... :( Sumakay na kami ng bus. Medyo pagod kaya nakatulog kaming lahat, dun kami sa seat sa pinakalikod. Almost 7 na nung dumating kami sa Cubao Satation ng Victory Liner.
Buhay Saudi ng mga Noypi
Shawarma - isang pagkain na nag originate sa middle east at isa ang saudi sa pinaka masarap gumawa nito. Meron itong garlic mayo na unique ang lasa at chicken or beef slices na sobrang juicy at pickles at fried potato.
Kabsa - Eto ang litson manok ng arabo. Sa una di mo ma aapreciate ang lasa nya kasi iba yung lasa. Pero pag matagal ka na sa saudi, masasarapan kadin dun. Pero kailangan mo ng kabsa rice para match pati nung sauce at nung dahon na tinatawag nilang jirjir.
IPSR - Ito ang unang Philippine school dun. Dito nagkakilakilala ang IPSR 2002 batch. Dito rin nanggaling ang karamihan ng estujante na naglipatan sa iba't ibang school. Dating under ng embassy. Kulay dilaw ang kulay nila. Dito ako nag aral.
SPIS - Kalaban ng IPSR. IPSR at SPIS ang Dalawang Major school dun kasi sila ang pinakamaraming estujante. Kulay green ang kulay nila.
IAR/RIS - Di masyado matunog pero kilala din naman sa mga filipino community. Madami rin kami kakilala na taga rito.
NIS/MIS/Pascual - Eto yung school ni Mrs. Pascual, Nag simula sa isang maliit na learning center at lumaki, pero hindi nya inabot ang IPSR at SPIS.
Al Roon - Pinaka sikat na tindahan ng Shawarma at Kabsa sa IPSR. Kasi malapit at legend na 'to dahil matagal na dito nag oorder ang mga Taga IP ng pagkain.
Yammal Asham - Itinayo sa tapat ng Al Roon Kakompitensya ika nga. Pero mas mahal ang shawarma dito kaya Al Roon pa rin kami.
Jarir Bookstore - Eto ang Major bookstore sa Riyadh. Sikat na sikat.
Sharuk - Eto ang Malaking version ng shawarma. Don't be mistaken, hindi po ito jumbo shawarma. Malalaman nyo kung bakit pag dinescribe ko ang jumbo shawarma. Kung sa pinas may footlong para solve ang mga pinoy, sa Riyadh naman Sharuk kasi bitin ang shawarma.
Jumbo shawarma - Not like sharuk, ang jumbo shawarma ay may jumbo bread na pang hotdog, pero ang sharuk ay may kubus.
Kubus - Eto ang sikat na bread na pambalot ng shawarma. Bilugan at malapad, pinakadabest pang shawarma. Pwede rin sa filafil.
Filafil - Isang unique na vegetable na may ibat ibang sankap na nakabalot sa kubus.
DQ(Diplomatic Quarter) - Sa loob nito nakatayo ang sikat na Philippine Embassy.
Philippine Embassy - Obvious ba, embassy nga e. Pero dito rin ginaganap ang ibat ibang major events sa filipino community sa Riyadh tulad ng Independence Day at minsan ay Inter school competitions.
Batha - Eto ang pinakapinoy na lugar dito, ultimo injano at arabo ay trying hard na mag tagalog. Parang divisoria ng saudi. Da best dito dahil feel at home ka.
Quiapo - Eto ang pinaka sikat na lugar sa batha. Pangalan pa lang pinoy na pinoy na.
Centennial Restaurant - Nag seserve ng pinoy foods, located sa batha. Naging Canteen ng IPSR.
Haraj - The Ultimate ukay ukay ng riyadh. Hindi lang to basta ukay ukay sa damit ha. Pati na rin sa mga appliances at furnitures at halos sa lahat ng bagay.
Hayir - Pasyalan. Nandito yung sikat na hanging bridge na halos gawa lang sa Chicken wire. Madami rin Quad bike dito, Try mo.
Red sand - Disyerto. Kulay pulang buhangin. Magandang pasyalan pag di ka alergic sa buhangin.
Dalah - Market place malapit sa IPSR, tindahan ng mga burloloy.
Rabwah - Tindahan ng Gulay at prutas
Euromarche - Pinaka sikat na mall na malapit sa Um Al hammam. Sikat to dahil pag nag punta ka sa Euro, sigurado may makikita ka na kakilala mo.
Faisaliah - Eto yung sikat na patusok at mataas na skyscraper sa Riyadh, may mall din sa baba nito na puro mamahaling damit. Tambayan ng mga conyo
Kingdom - Eto yung tumalo sa faisaliah, mas mataas at mas malaki ang mall. Dito ko nakita ang Unang starbucks sa Riyadh. Tambayan din ng mga conyo. Marami mutawa.
Mutawa - Eto nanghuhuli ng mga tao. Nakasuot nung belo ng Arabo na pang lalaki pero usually ala yung ring na nasa ulo. Lider ng mga pulis kumbaga Hepe nila. Mahaba ang balbas. Nakakatakot. Sikat sa mga linyang "Cover your face" pero nalaman ko na barok lang pala english nila. Ibig sabihin nila dun ay "Cover your hair".
Toyland - Eto yung paborito kong puntahan nung bata pa ako. Tindahan ng laruan.
Bahay ni Ryan Lao - Eto naman ang pinaka dabest na lugar para sa barkada namin. Dito kami lagi nag babonding, Jamming surf sa internet magdamag, matulog at tumambay.
Mr. Morla - Bading
Cosa - kung mga daga kaming mga estujante ng IPSR, malamang sya na yung pusa.
Consul - Rapper
Amba - Kung sino man yung Ambassador sa Philippine Embassy may kakambal na syang nickname na "Amba".
TFC - "At home ka sa TFC". ABS - CBN of the world. Halos lahat ng pinoy may TFC yung iba naman nakikirecord nalang sa VHS.
IPSR 2002 - Pinaka malupit na batch ng IPSR na gumradute noong March 2002 at three years na nandito sa pinas. Tagal na rin noh. Sana maalala natin sila.

