Monday, June 05, 2006















Galera Summer Ender 2006
(Ako, elias, ye, heven, elsid)

June 2, 2004. Hinatid ko parents ko sa airport. Right after, nilabhan ko yung mga damit ko para may isusuot ako sa monday. Tapos direcho sa alabang. Dun na nag hihintay yung iba. Ako nalang ang kulang. Larga na!

Sa bus,N.Dela Rosa Transit. three hours drive na medyo stop and go dahil sa traffic at sa mga nag sasakay at baba na pasahero.

Sa batangas Pier. MV Natividad, P170 hanggan puerto galera. Mga 1 hour mahigit yung byahe. Dumating kami gabi na. Marami pa nag sswimming.

Porter, Inaya kami ng isang porter sa isang aircon room na worth P2K per night. Mahal toh. Kaya tuloy sya napagalitan ng presidente ng mga tour guide na sya ring nagpadala sa amin kay WANDA.Hinanap namin si WANDA(Isang tao na inerekomenda ni shops).WANDAful talaga. Dahil after nya kami dalhin sa isang magandang aircon room, ibinigay nya ito sa amin ng P800/night tapos nun sa isang pahapunan para sa bisperas ng kasal ng pinsan nya. Sarap. Solve solve kami.

Night 1. Dalawang round ng beer. Courtesy of Mikko's bar. Redhorse plus chicken BBQ, Tapos tig isang stick ng BBQ at hotdog, meron ding chicharon. Pwede na yun.

Sandra - Short for casandra. Isang bading na binola bola ni elsid. Tapos may picture pa silang dalawa ni elias. Lufet. Waiter(tress...?!?) po sya sa Mikko's.

Day 2 late na nagising. Swimming sa beach, banana boat sa pinsan ni ate Wanda. Twice kami nakapag bananaboat sa isang bayaran. kasi sinabay pa nila kami sa next ride. Swiming maghapon.

Kinagabihan, eto na po yung second night. May event po ang DreamFM at visa. Ang host, si Hans Montenegro. Kung si maui taylor yun mas ok siguro. 2 round ng Mindoro Sling, isang inumin na specialty ng mindoro. Masarap din. Lasang ginpom. Sabi may halo daw rhum(tanduay) yun. Disco sa stage. Valen, ang kaunaunahang babaeng nakilala namin sa disco. Kaya lang medyo lasing na ata sya e. Pero sabi nya band vocalist daw sya. Friendly sya un lang.Late na, uwian na tayo. Kinuha na yung bill kay Sandra (yung alam mo na..). "Ayaw nyo na mag banlaw,beer".. Antok na kami, ayaw na namin.. "treat ko.." sabi nya. So bakit hindi.. dba? Pwede..! 1 last round ng san mig light. Tulog na!

Wake up call, 8AM(dapat), pero 9 na kami bumangon. breakfast muna sabay swimming ulit. iniwanan namin yung twalya kay ate wanda. Tapos may nag offer, snorkling daw. Ayos pwede. kaya lang ala na budget e. Pero teka, kasabay ba natin yung chik.. ? Pwede siguro tara.

3 hours snorkling. life jacket, snorkle wala nga lang flipper. Ok lang. Tinangal namin yung life jacket para maka sisid mabuti sa mga corals at isda. Starfish, naka 3 ata kami nakuha na starfish. kaya lang bawal pala yun iuwi. ok lang. pero maganda pala ang underwater. yun lang..

pag balik sa white beach(nakalimutan ko , eto pala yung beach na pinuntahan namin sa galera)medyo maulan. hanggan bumagyo na hanggang malakas na nga ang ulan. Lagi nalang umuulan.. shet! Kain muna linis ng kwarto sabay bili ng mga goodies. Tshirt at bag binili ko. MV Brian. Dito kami sasakay pauwi. Ayan na sya. Nag tatawag na pero ako tumatawad pa rin sa tindero ng tshirt. Buti nalang bumigay, di sayang ang effort ko.

Pauwi na, malakas pa rin ang ulan. Mga nagkakantahang koryano ang kasabay namin at mag syotang intsik ata yun na buong trip magkayakap sa ginaw.. Oy.. ang sweet. Kasabay din namin yung tita ni ate Wanda na nagpachibog samin nung first night, anak ata nya yung ikinasal. Salamat po.. Whooo... whoo.., mga nag sisigawang tao sa likod ny mv brian. Bakit kaya..? Ayun naman pala e. nakakita ng nagtatalunang nilalang sa dagat. At hindi lang basta nilalang, sila po ay dolphin. Astig first time ko nakakita neto. Para bang napakasayang simbolo na nag sasabing.. "Oy chong, balik kayo ha... babay!". Batangas pier eto nanaman. batangas na po kami. God bye dagat, good bye puerto, goodbbye sa lahat. Da best tong experience na to pwera lang sa bus na sinakyan namin papunta ng alabang. Ordinary nalang kasi ala na daw aircon. Sakit talaga ng ulo ko. Daig ko pa ang nalansing magdamag na may hang over. Muntik na nga ko masuka e. pero ganun pa man, malupit na experince pa rin yung puerto. Nex gimik, North Expedition... sa sembreak nila. sana matuloy ulit.

0 comments: