SIGNS YOU ARE IN OFFICE HELL
(Galing kay Johnvy.. ang kulet)
Ang lobby guard niyo ay si Palito alias Rambuto.
Ang time administrator niyo ay si Cherie Gil at ang morning greeting niya
with a smile ay..."Welcome to hell..."
Ang HR head niyo ay si Bella Flores at ang Employee Relations Officer ay
si Odette Khan at ang HR Staffing head ay si Dexter Doria....At pag pumasok
ka na walang ID o hindi naka-uniform...kakaladkarin ka nila sa buhok palabas
ng opisina pagkatapos kang pagsasampalin.
Ang Employee Benefits head ay si Lolit Solis...cge...magreklamo ka na
maliit ang sueldo mo...cgeeeeeeeeeeeeeeeeee...I dare you!!!!
Tuwing may problema ang kompanya, ang Corporate Communications head niyo
na si Cristy Fermin ang nagbibigay ng official company statement...at ang
simula nang kanyang presscon ay..."Galing ito sa isang reliable source at
itataya ko ang buhay at karangalan ko dito...wala akong libel case na inuurungan..."
Ang official company driver niyo ay si Vandolph. Do I have to explain?
Kapag kasama mo mag-OT si German Moreno...walang tulugan!
Ang Legal Investigator niyo ay si Tony Falcon at ang assistant niya ay si
Wengweng...paminsan minsan ay tumutulong si Ricky Lo at Madam Auring
bilang consultant.
Tuwing bubuksan mo ang filing cabinet andun si Mahal sa loob para iabot
ang file na hinahanap mo.
Nung huling company anniversary ay sumayaw ka ng nakadamit babae at
sumayaw sa tugtog na "ang ganda ko...feel na feel ang long hair ko..." kinabukasan
dumating si Robin Padilla para itanong sa yo kung niloloko mo ang kapatid
niya...
Messenger niyo si Kuya Cesar.
Si Boy Abunda ang career counselor mo at tuwing me problema ka ang tanong
niya ay..."Mag-usap tayo kaibigan...kung nasa harap ka ng salamin ano ang
sasabihin mo sa iyong sarili?"
Si Love AƱover ang voice behind your automated phone system. "Mga
katsokaran...ip you chuva da number eklavu...dependots 1...ips not...luz
valdez...charing!"
Ang Office Security niyo ay binubuo ng Tulfo Brothers...bigla silang
darating sa opisina mo at sasabihin "Hephephep...nag-uuwi ka ng bond
paper...tarantadong to ah...manggagantsong butete ka!!!" At pag tumanggi
ka...ipapanood nila sa yo ang hidden camera shots na nagpupuslit ka ng 2
pirasong bond paper mula sa printer... habang pinoposasan ka ng mga pulis.
Nung Halloween party niyo ang costume mo ay Lizardo...at dun mo rin first
time na-meet ang anak ng may-ari na ang pangalan ay Tristan...alias
Panday. Next halloween me tribute sa buhay mo na ipapalabas.
Tuwing pasko ang prize committee head ay si Bernadette Sembrano at Vicky
Morales. Taon taon din ay nanalo ko ng bananacue at pedicab showcase. At
nangangarap ka na sana next time si Willie naman para me jeepney.
Si Michael Fajatin ang laging nagpe-present ng annual report niyo..."Mga
Igan...nung umabot sa PhP50M ang ating kinita....kumita tayo ng
PhP50M...matapos nating magtrabaho ng matindi kumita tayo ng PhP50M pero
bago yan ay nagtrabaho muna tayo saka tayo kumita ng PhP50M."
Boss mo si Big Brother...at alam niya na lampas 15 minutes ka nag-coffee
break kaya kailangan mo mag-type nang gamit ang ilong mo hanggang
patawarin ka niya.
Kaopisina mo si Arnold Clavio at pag naka-leave siya...OIC niya si
Arn-Arn.
At ang number 1 sign na you're in OFFICE HELL...department head mo si Mike
Enriquez...AT HINDI NIYA KAYO TATANTANAN!!!!
Friday, July 07, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

0 comments:
Post a Comment