Tuesday, August 29, 2006

Admit TWO

isang gabi, kasama ko pinsan ko at utol ko na binabaybay ang kahabaan ng edsa, naexperience ko malente, matapik yung bintana at mapatabi ng isang MMDA.
Scene 1. dug.. dug dug.. beating the red light po kayo. Congratulations! ako ang napili ng isang babaeng mmda na beating the red light. Sa dami ng kasabay ko na katabi ko pa mismo. Ako napagtripan nya. Pero kitang kita sa buong paligid na maraming dumiderecho. kasi nga may traffic aid sa gitna e.

MMDA Girl: BEATING THE RED LIGHT PO KAYO!!!

AKO: HA, di ko nakita sorry po..MMDA Girl: Lisensya!AKO: Eto po..

MMDA GIRL: Alam mo ba kung magkano multa nyan? Mag aatend ka ng seminar ha..!

AKO: Baka naman pwedeng pag usapan nalang yan?(Kunwari ka pa obvious naman)

MMDA Girl: Sige, pag usapan natin. Patayin mo muna yang ilaw mo(bukas kasi ilaw ko sa loob e.)

MMDA Girl: Kasi 500 ang singil namin dyan e. AKO: Wala po ko cash e. Gsto mo, kuha muna ko sa ATM.

MMDA Girl: sige balikan mo nalang tong lisensya sakin.

AKO: Ay teka, may 300 pala.

MMDA Girl: Pwede na yan!

AKO:(Nag abot ng P300)

MMDA: Salamat. Sige Guide na kita.(Pinahinto lahat ng nag dadaanan na sasakyan para lang padaanin ako)


Scene 2: (lente.. lente.. flashlight)Habang nasa may robinsons galleria sa edsa, nilente ko ng isang MMDA. Sabay sabing "May violation po kayo". Yellowlane for yellow plates nga pala. Yari nanaman ako!Wala na talaga kami cash pang donation sa mga nakakaawang MMDA sa kalye."Sige titikiten nalang kita" ika ng MMDA, "Nakita mo ba kung magkano ang multa sa violation mo?"(habang ipinapakita ang nasa ticket na P1000 fine). "Sensya na ho baguhan lang" sabi ko. "Sige maski pang mirienda nalang" sabi ni lolo MMDA. "Wala ho talaga e. kakahuli lang din samin e". Kinuha ko lahat ng coin sa lalagyan tapos tapos patak patak kami ng kapatid ko at pinsan ko. Humigit kumulang P50 pesos na barya. "Pwede na yan", sabi ni lolo MMDA. Oh diba, P300 and more or less P50 worth of experience. Ang moral lesson dito, iwasan ang mga naka kulay blue na tao, pag may dala ka na sasakyan. Lalo na pag maulan at sobrang nakakagutom ang panahon. Dapat din meron ka palaging extra cash sa koche mo. At siempre ang batas trapiko na dapat lagi natin inaalala.


(photo from google)

1 comments:

kay said...

congrats! nakapagpamerienda ka na! :P