Wednesday, November 01, 2006

O pare, ikaw na!

Minsan naisip mo na ba na bakit kaya napaka pangit ng buhay mo?Bakit yung classmate mo, matalino, gwapo, malaki baon, malupit pumorma o kaya naman ay crush ng bayan. Pero ikaw, hindi. Nung bata ako naisip ko din yun. Actually, maski nung matanda na ko, naisip ko pa rin yun. Pero may isang tao, na nag sabi sakin ng isang katagang tumatak sa isip ko. Sa totoo lang, isang bata. Kababata ko, si popi. Sabi nya sakin nung nakatayo kami sa gitna ng quadrangle ng IPSR habang nanonood ng basketball ay "di bale darating din panahon natin!". Ang simple diba pero nakaka dala. Simula nun naging positibo na lahat ng tingin ko sa mga bagay bagay. Kaya di ako nagtataka kung bakit malupit sya magbasketball at naging MVP pa nung interschool competition sa riyadh. Parang chess yan eh, dalawa kayong magkalaban. Advantage ang puti kasi una sya titira. Pero maski na advantage ang puti, may tira pa rin si black. At pag tumira si black ng tama, malaki ang chansang bumaliktad ang mundo nila. Parang tong-its, na hindi kadalasan na ang may magagandang set ng card sa unang bigay ay syang nananalo. Depende pa rin kung ano ang itira nya at ang itapon ng katabi nya. Hindi sa lahat ng oras turn mo palagi. Kaya dapat pag dumating yung time na ikaw na ang titira, galingan mo.

Kaya kung naiisip mo man na pangit ang buhay mo, OK lang yan. Dahil tama ka, pangit ang buhay mo...

Pero maswerte ka. Kasi pangit ang buhay mo, ngayon, e malay natin bukas o sa mga susunod na araw. Diba, ano sa tingin mo? Pangit pa pa rin kaya? Siguro naman hindi na. Malay mo ikaw na ang maging next bf ni Angel Locsin.. Angas..

0 comments: