Sunday, June 10, 2007

















Batangas Summer Adventure

Mga kwento sa likod ng digicam
Summer 2007 Riyadh barkada




Every year meron kaming isang malayong gimik kagaya nung baguio, puerto, bulacan at eto. Kaya eto na mga kwento sa likod ng digicam.

Day 1, working day,may pasok. At ako si number 1 dresscode violator.Poloshirt na semi body fit,white jeans, white short socks saka light brown rubber shoes. Ayan ready na para sa outing mamaya. Buti nalang di nasita.

7PM, Glorietta, dun kami nag kita kita. unang dumating sila heaven. Ako naman namili pa ko ng mga gamit na dadalahin sa outing tulad ng tutbras, facial wash wet towels at tissue. Kikoy diba..?

mga past 7PM, nagita kami sa glorietta 4 sa food choices. Kasama nya si elcid. Kumain kami sabay kumain pa ulit hangang maubos namin ang mga pagkain namin.

Heaven. May bagong mazda 3 sya ngayon kaya gusto mabinyagan. At nabinyagan nga. Lam nyo kung pano..? Secret. Mamaya nalang.

Elcid. Sya yung katropa ni heaven sa bulacan na ka tropa na din namin. Kasama sya sa puerto last year at namangha kami sa galing nya. Lalo na sa pambobola ng bading at sa pakikipag kapwa tao. Mamaya ko na sasabihin kung bakit. Para naman magbasa kayo hanggang sa baba.

Dumating si fatboy, nagtext gamit ang sun number nya. At least ngayon lam ko na sun number nya.

Fatboy. Sya yung naiwan sa bulacan kasi tulog ng tulog. Pero ngayon nandito sya. Nandito talaga sya. Sinasabi ko na nga ba eh, may himala. hehe. joke.


Nag text si dustin.. tol, d2 n kmi,sn n kau.Dito kami sa grinwch. Tapos hinay ng konte sabay punta sa greenwich sa food choices.Ay mali sa park square pala na greenwich sila.

Dustin. Sya yung galing saudi na 1 taon naming hindi nakikita. Kaya kami gumimik ay dahil sa kanya. At mahaba po ang bigote at balbas nya. Nakaka sindak.

Elias. Sya yung may ari ng xtrail. wow naman..Sya din si ryan lao. elias nick name nya.

VJ. Sya po si Vj ang VJ ng tropa. kasi sya palagi ang nagsasalita sa mga video clips namin.

Alis na kami. Punta sa san pablo kina yeye. On the way nag stop kami sa isang toll plaza para magpalipas ng traffic (Petron SLEX - South bound lane). Inom ng kape tapos tinestdrive din namin ang oto ni heaven at ni elias). First time ko nakapag drive nga automatic nga pala. Ganun pala yun. Sarap sarap la na pagod kaka clutch.

Dumating na kami sa bahay ni yeye. kumain kami at nag attempt matulog pero di masyado successful.

Yeye. Sya si yester sa totoong buhay. Dun kami natulog sa bahay nya. madami syang alagang aso at bagong panganak ang am bull nya.

Day2, madaling araw, paalis na kami pero di pa namin alam kung san pupunta. So nagpaturo pa kami sa mga taong pwede pagtanungan. Una yung kakilala ni yester,tapos yung tao sa petron. Pero buti nalang alam na nila kung saan at di naman kami naligaw.

Pag dating sa beach, mejo di namin natripan kasi basta. Kaya nag hiwalay kami. 1 sasakyan bibili ng ulam at pagkain, isa naman mag hahanap ng iba pang beach. So dun ako sa mga nag hahanap ng ibang beach. Eto ang adventure namin. Unang resort na nakita namin ay yung mayamaya. Mejo high class pero walang beach,pool lang at puro massage services ang inoofer nila. Ngyek.
Sunod nakita namin ay yung pico de loro na 12 Km away pa. so nag hanap nalang kami ng mga beach na makikita namin on the way. Puro puro mga prvate beaches na, yung iba naman ang pangit na. So dinero namin si 12 km na pico de loro resort. Awa ng Dyos, under construction pa sya at di pa nag ooperate.Naman naman, utang na loob, ba't ka naman mag aadvertise ng mahigit 12 km away at yung tipong nakakasayang ng gas pero under construction pa lang. Ewan ko nalang. hehe.

So no choice bumalik kami sa Munting buhangin beach resort. Mejo madaming tao na pag balik namin. Nx naman may field trip ang mapua. At may nakita pa kaming isang taong sobrang lasing na di makabangin at tinutulungan ng mga kaklase. Ayun pala nag inuman na sila sa bus. Buti nalang katropa ni elias yung isa dun kaya isinakay na nya sa xtrail nya. By the way, si elias nga pala ay dating Civil Engineering Student sa mapua.

So kumha na kami ng room. isang airconditioned nia hut. Angas diba? Hi-tech na tong kubo na to ah. Dami tao. dami dami talaga.

Nag simula na kami mag ihaw nga mga ulam. Kami ni fatboy ang taga hugas. At siempre nag simula na din mag ihaw ang cook namin na si elcid.

Hanggang gabi nag luluto pa rin sya. Tapos nun, may naging kaibigan sya na nasa may tabi lang ng nipa hut namin. At dahil sa paikipag kapwa tao nya, nabigyan kami ng mga pagkain na crispy pata at saka bbq. Last year sa puerto sya din yung dahilan kung bakit kami nagkaron ng 1 free extra pitcher ng mindoro sling, isang specialty drink ng puerto galera. Sayang lang at tulog ako nung mga panahong yun..

<>

Eto na. Gising na ko, nag nnight swimming na sila. Tiantamad na o mag swimming kaya ako nalang ang photographer nila. kaya kami marami nightshots na wala ako.

Gabi na, tapos na goli. banlaw na din ako, kasi di pa ko nakabanlaw mula nung nag swimming kami nung hapon eh. Tapos umalis lang ako saglit. dapat pag balik ko sisimulan na ang inuman. Pero nadatnan ko silang siksikan na natutulog sa aming munting bahay kubo.kaya nakisiksik na din ako at na tulog.

Umaga na prepare na pauwi. konting lusong sa beach. konteng pictures tapos sibat na.

Dumaan naman kami sa tagaytay para kumain ng bulalo. sarap naman. tapos uwi na rin kami. nag hiwahiwalay na kami sa alabang. Sumama sila elias, fatboy, dustin vj sa bahay para tumambay sabay alis na din kanina lang. Ayun tapos na.

More batangas pictures click here >>

2 comments:

BatangasNgaun said...

nice blog... try some beach in balete

mgrozman said...

Batangas has so many wonderfull view. you should try mataas na kahoy or
padre garcia in batangas.