Nag update din...
Ako si Lance, Ako ang taong late
2:00AM
na Kinikilabutan na ko sa puyat. Sana naman di na ko malate bukas, para di na ko mag bayad ng P50. Last fundraising mahigit 60% nung naipong pondo namin na pang kain sa Dad's eh ako ang nag contribute. Meron Pa nga akong natangap na medal na may nakalagay... 8:30 tapos may naka sulat sa baba "I shal never forget". Pero eto nanaman, pag patak ng January 1, di ako late,after nun, yun na. Kung minamalas ka nga naman oh. Kung mejo bata bta lang ako, iisipin ko na ang mga kasabay ko sa shuttle may lahing gremlins, kasi after mag tag ulan, humahaba ang pila eh, dumadami sila. Pero di naman nila kasalanan yun, trip ko lang mang tawag ng gremlins, hehe. Natutuwa lang ako sa idea.
Pero sa mga late ko eto talaga pinaka nakakainis...
Naexperience mo na ba na pumila ng pagkahaba haba tapos pag ikaw na yung sunod, mapupuno na yung va. Tapos yung next van, mga 30-45 minutes pa bago dumating(mga pabalik na).
Eh yung balak mong lakarin hanggang office kaya naman eh, kasi traffic, yun nga lang bigla naman umulan at wala ka payong.
Eh yung traffic na nga pero wala pa Epass ang nasakyan mo, eh di nagkanda loko loko na.. Patay..
Yung naka promise sa plaka na skyway pero bigla di nag skyway kasi nag titipid.
At yung malate ng sobrang late, na sa sobrang late eh naisip mo nalang mag bfast sa jollibee para naman di masyado sumama ang loob mo.
O kaya mag palusot sa sarili mo kung bakit ka na late. Hehe..
Yun na yun, late na kung late. Pero bukas di na ko malelate (5th).
Wednesday, January 30, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

0 comments:
Post a Comment